UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

BARMM Ngayon

Archive ng mga balita at update mula sa Bangsamoro Government sa wikang Filipino

BARMM Ngayon and Radyo broadcasts

Mga pinakabagong balita

Bangsamoro Information Office • July 11, 2025
MPW sinimulan ang tatlong proyekto para sa daan, baha, at kabuhayan sa Basilan

MALUSO, Basilan — Sinimulan na ng Ministry of Public Works (MPW), sa pamamagitan ng Basilan District Engineering Office nito, ang tatlong malalaking proyektong pang-imprastraktura sa bayang ito na naglalayong mapaayos ang mga daan, maibsan ang pagbaha, at suportahan ang lokal na aktibidad pang-ekonomiya. Inilunsad ang mga ito sa tatlong magkahiwalay na groundbreaking ceremony noong…

Bangsamoro Information Office • July 9, 2025
BARMM pinasinayaan ang bagong ayos na Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mosque

COTABATO CITY — Pormal na itinurn over ng Ministry of Public Works (MPW) sa Office of the Chief Minister (OCM) ang inayos at pinagandang Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mosque, isang makasaysayang gusali dito at mas kilala bilang “Grand Mosque of Cotabato”. Isinagawa ito sa Barangay Kalanganan II dito sa lungsod noong ika-1 ng Hulyo. Bahagi ito…

Bangsamoro Information Office • July 9, 2025
BARMM ipinagpapatuloy ang programang pangkabuhayan para sa mas matatag na komunidad ng Bangsamoro

COTABATO CITY — Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) noong Hunyo 27 ang ika-14 na anibersaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP), kung saan itinampok ang mga produkto mula sa mga inisyatibo ng Ministry para sa livelihood training at pagbibigay ng seed capital. Ang aktibidad, na may temang “Labing-apat na taon ng paglinang ng…

Bangsamoro Information Office • July 8, 2025
BARMM namahagi ng 50 ‘three-in-one’ na pabahay sa mga residente ng Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi — Namahagi ang Bangsamoro Government ng 50 bagong tayong housing units sa mga pamilya sa Barangay Butun, Tandubas, sa probinsyang ito noong ika-21 ng Hunyo, sa pamamagitan ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD) at ng Provincial Government. Ang proyekto ay bahagi ng inisyatiba ng MHSD sa buong rehiyon na matugunan…

Bangsamoro Information Office • June 30, 2025
BARMM, mga partner tinuldukan ang 27-taong rido sa Sulu sa pamamagitan ng kasunduang pangkapayapaan

PANAMAO, Sulu — Isang 27-taong rido o alitan ng angkan sa pagitan ng dalawang pamilya mula sa mga barangay ng Tanduh at Lunggang Maasin ang natuldukan sa pamamagitan ng isang kasunduang pangkapayapaan na isinagawa ng Bangsamoro Government at ng mga partner nito noong Hunyo 11. Ang ceremonial settlement, na ginanap sa Panamao Municipal Hall, ay…

BARMM Ngayon | BARMM (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV