UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

PBBM, ipinag-utos ang pagtugis sa mga puganteng nagtatago sa ibang bansa

By PCO · Oct 21, 2026

Banner graphic showing an illustration of Malacañan Palace inside an oval seal with the text MALACAÑAN PALACE on a blue gradient background.

Image on the original site · transcribed

By PCO · Oct 21, 2026 12:00:00 AM · 6 days ago

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tugisin ang mga puganteng nagtatago sa ibang bansa upang matiyak na hindi sila makakaiwas sa pananagutan sa ilalim ng batas.

Sa Palace briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na dapat gawin ng mga awtoridad ang mga kinakailangang hakbang alinsunod sa batas at sa mga direktiba ng Pangulo.

“Kung ano ang dapat gawin ng gobyerno, kung ano ang mga nasasaad sa ating batas, gawin ang dapat gawin… iyan ang utos ng Pangulo,” ani Castro.

Samantala, kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Martes na nakalabas na ng bansa ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na iniuugnay sa pagkawala ng ilang sabungero.

Ayon kay Castro, tinitiyak ng pamahalaan sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero na hindi mapapaso ang bisa ng warrant of arrest laban kay Ang dahil sa bigat ng mga kasong kinakaharap nito. | PND

Related

  • →President Marcos orders all concerned gov’t agencies to track down fugitives abroad
  • →PNP rerepasuhin ang mga polisiya sa seguridad at paiigtingin ang koordinasyon sa mga eskuwelahan
  • →PNP to review school security policies, strengthen police-school coordination
PBBM, ipinag-utos ang pagtugis sa mga puganteng nagtatago sa ibang bansa | eGovPH (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV