UnofficialOfficial site ↗Report

Malabon Ahon Blue Card

Isang pangunahing programang panlipunan ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon batay sa prinsipyong Walang Maiiwan para sa maayos at episyenteng pamamahagi ng tulong sa mga kwalipikadong kabahayan.

Ano ang Malabon Ahon Blue Card?

Ang Malabon Ahon Blue Card o MABC, ay isang pangunahing programang panlipunan ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, na nakabatay sa prinsipyong “Walang Maiiwan”.

Ito ay nagsisilbing isang mekanismo ng maayos at episyenteng pamamahagi ng tulong sa mga kwalipikadong kabahayan, upang matiyak ang pantay at napapanahong akses sa mahahalagang serbisyong panlipunan.

Ano-ano ang mga serbisyo nito?

Ang Regular Assistance ay ang pangunahing quarterly assistance sa ilalim ng Malabon Ahon Blue Card (MABC) Program, na nagbibigay ng tulong sa mga kwalipikadong household head ng Malabon. Ang assistance ay ibinibigay apat (4) na beses bawat taon, o isang beses bawat quarter, at may isang (1) karagdagang bonus assistance sa pagtatapos ng taon.

Sino ang maaaring mag-apply?

Walang hiwalay na aplikasyon para sa Regular Assistance. Awtomatikong kabilang dito ang mga rehistrado at aktibong MABC beneficiary/household head na patuloy na nakakatanggap at kumukuha ng kanilang quarterly assistance, hangga't nananatili silang kwalipikado at walang paglabag sa mga itinakdang alituntunin, patakaran, at kondisyon ng programa.

Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng proyektong ito?

Apat (4) na regular quarterly assistance bawat taon, kasama ang isang (1) bonus assistance sa year-end. Maaaring ibigay ang assistance sa cash o goods, depende sa itinakdang form ng assistance. Kapag cash, maaaring i-withdraw sa designated USSC branches, ATMs, at/o gamitin sa mga POS (Point-of-Sale) terminals. Kapag goods, maaaring i-redeem sa mga designated redemption sites.

Ano-ano ang mga kinakailangan na dokumentong ipakita?

MABC/Blue Card lamang at kailangang alam ng beneficiary ang kaniyang personal identification number (PIN) para sa withdrawal o paggamit ng assistance.

Application Forms

I-download at i-print ang mga form. Ang Blue Card Declaration Form ay makukuha rin sa opisina ng MABC, 4th floor ng City Hall.

News & Announcements

Ang Malabon Ahon Blue Card (MABC) Program ay tumanggap ng iba't ibang gawad at pagkilala mula sa mga lokal at internasyonal na institusyon, bilang pagkilala sa makabagong paraan nito ng paghahatid ng tulong panlipunan, inklusibong serbisyo, at mahusay na pamamahala. Ang mga pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng programa na gawing mas madali, mabilis, episyente, at makabuluhan ang serbisyong panlipunan para sa mga Malabueños.

Frequently Asked Questions

Mga sagot tungkol sa paggamit ng card, pag-apply ng burial at hospitalization assistance, at working students.

Paano kapag nakalimutan o magpapalit ng PIN?+

Kung nakalimutan o nawala ang PIN, gawin ang alinman sa: A. Tumawag agad sa USSC hotline: (02) 8928-8772 o 0917-1808772, bukas 24/7. Magtatanong ang USSC CSG Personnel tungkol sa pagkakakilanlan ng benepisyaryo. Matapos ang validation ay ibibigay ang bagong PIN at isesend ito sa cellphone number ng benepisyaryo. B. Kung nasa USSC store na mismo ay makipag-ugnayan o sabihin sa teller upang mapalitan ang inyong PIN.

Paano kapag nawala o nasira ang Malabon Ahon Blue Card?+

1. I-report kaagad ang pagkawala sa alinmang USSC store branch. 2. Maghanda at magsumite ng affidavit of loss sa alinmang USSC store branch (kung nasira o defective ay kailangang isurrender ang card). 3. Magbayad ng replacement fee na Php 100.00. 4. Ang proseso ay tatagal ng 15 working days. 5. Makakatanggap ng tawag mula sa USSC kung ready na i-pick up ang card sa USSC/U-store branch na pinagpagawaan.

Paano kung na-capture o kinain ng ATM machine ang aking card?+

Kung na-capture o kinain ng ATM machine ang blue card, ipagbigay-alam o i-report sa concerned na bangko.

Paano pag nagpalit ng cellphone number o nawala ang cellphone?+

Ipa-update ang number sa USSC. Maaaring magpunta sa pinakamalapit na branch o tumawag sa hotline (02) 8928-8772 o 0917-1808772, bukas 24/7.

Paano pangalagaan ang Malabon Ahon Blue Card chips?+

1. Panatilihing malinis: punasan ng dahan-dahan gamit ang malambot at tuyong tela; iwasan ang likido o kemikal. 2. Itago nang maayos sa protektadong lalagyan o pitaka; iwasang ilapit sa magnet o electronic devices tulad ng cellphone. 3. Huwag baluktutin, tupiin, o butasan; iwasang ilagay sa masikip na bulsa. 4. Ilayo sa direktang sikat ng araw, sobrang init, o basa. 5. Ipasok nang dahan-dahan sa ATM o POS; huwag pilitin kung hindi pumapasok. 6. Iwasang mahulog o dumikit sa matutulis na bagay.

Anong hotline ang pwedeng tawagan kung may katanungan tungkol sa Malabon Ahon Blue Card?+

Malabon Ahon Blue Card hotlines: Globe - 09671372561, Smart - 09625533610. Para sa USSC: (02) 8928-8772 o 0917-1808772.

Saan maaaring gamitin ang Malabon Ahon Blue Card?+

Ang blue card ay dapat lamang kunin para sa pagbabayad o pagkuha ng mga tulong pinansyal mula sa Malabon City Government sa mga retail store/outlet na kawing o ugnay ng USSC. Maaaring gamitin sa pagbili ng basic commodities sa merchant designated retail stores. Hindi maaaring gamitin para bumili ng alak, sigarilyo, at iba pang bisyo.

Anong oras maaaring magpunta sa USSC?+

Bukas ang USSC Lunes hanggang Linggo. Kung nasa loob ng mall: 9am hanggang 10pm. Kung nasa labas ng mall: 8am hanggang 5pm.

Paano makakakuha ng voter's certificate?+

Tumungo lamang sa COMELEC na OSCA building tapat ng City Hall Malabon at manghingi ng Voter's Certificate. Ito ay libre o walang bayad.

Ano ang burial at hospitalization assistance para sa blue card members?+

Ito ay karagdagang tulong pinansyal para sa mga miyembro ng blue card at kanyang pamilya na namatayan o na-confine sa ospital.

Paano ang mapabilang para sa tulong na ito?+

Kung ang household head at miyembro ng pamilya ay lehitimong blue card member, bumoboto at residente ng Malabon. Kinakailangan ang lehitimong next of kin na maaaring asawa, anak na 18 taong gulang pataas, kapatid o magulang. Hospitalization: kailangang kasalukuyang naka-admit sa ospital sa buwan na nag-apply; ang pag-apply ay quarterly o ika-3 buwan. Burial: kailangang mag-apply sa loob ng taon kung kailan namatay ang miyembro o household head; isang beses lamang maaaring mag-apply.

Saan pwedeng mag-apply para dito?+

Magtungo lamang sa 4th floor ng City Hall, opisina ng Malabon Ahon Blue Card.

Ano ang mga dokumentong kailangan ipresenta sa pagkuha ng tulong pinansyal na ito?+

Burial: photocopy ng claimant's voter's ID o voter's certificate; photocopy ng Malabon Ahon Blue Card (back to back); notarized Declaration of Household Composition form; certified true copy of death certificate; valid ID of deceased. Hospitalization: photocopy ng claimant's voter's ID o voter's certificate; photocopy ng Malabon Ahon Blue Card (back to back); notarized Declaration of Household Composition form; medical or clinical abstract o certificate of confinement with notation of Still Admitted; valid ID of patient.

Magkano ang tulong na maaaring makuha sa burial o hospitalization assistance?+

Alinman sa burial o hospitalization assistance ay makakatanggap ng halagang Php 5,000.00.

Ilang beses pwedeng makakuha ng tulong pinansyal?+

Burial: bawat lehitimong miyembro ng household ng isang blue card holder ay maaaring maka-avail. Hospitalization: quarterly o tuwing ika-3 buwan maaaring makakuha kung ang benepisyaryo ay naka-confine o naka-admit pa din.

Paano ko malalaman na ako ay nag-qualify sa pagkuha ng burial o hospitalization assistance?+

Nakapagpresenta ng documentary requirements. Makakatanggap ng return slip at SMS at tawag mula sa Malabon Ahon Blue Card team kung makukuha na ang pera sa kanilang blue card.

Kailan nagsimula ang programang ito?+

July 22, 2024.

Ano ang mga expected na babayaran sa pagkuha ng assistance na ito?+

Notarial fee for Declaration of Household Php 50-100 na direktang binabayaran sa notary service na pinili ng claimant. Medical Abstract (Certified True Copy) Php 100-150.00 na direktang binabayaran sa hospital. Paalala: hindi kinokolekta o sinisingil ng LGU at maaaring magbago depende sa napiling notary o hospital.

Magkano ang magagastos para sa pagkuha o pagcash-out ng pera gamit ang MABC?+

ATM withdrawal: withdrawal charge kung magwi-withdraw sa ibang ATM BancNet ay Php 0.00 - Php 18.00, balance inquiry charge ay Php 0.00 - Php 2.50 (Source: Bangko Sentral ng Pilipinas).

Magkano ang magagastos para sa pagproseso ng mga papeles para sa cash assistance?+

Estimate expenses ng claimant: Voter's Certificate - Free; Notarized declaration of household - Php 50-100; Certified True Copy of Medical Abstract - Php 150; ATM Withdrawal - Php 12-18; ATM balance check - Php 1-2. Internal fees: Bank fund transfer/processing fee - Php 50.

Paano makakakuha ng blue card declaration of household members?+

Ang form ay makukuha sa opisina ng MABC, 4th floor ng City Hall.

May cut off ba sa pagproseso ng aplikasyon bawat araw?+

Meron. 3:00 PM. Kung lumagpas ng alas-3 sa pagpasa ng requirements ay kinabukasan na ito maipo-proseso.

Paano kung ang namatay o naka-confine ay menor de edad lamang ang beneficiary?+

Maaaring magsama ng guardian ang menor de edad upang magabayan ito sa pagproseso ng application.

Paano kung wala sa listahan ng Household Beneficiary composition ang magpo-proseso ng financial assistance?+

Maaaring mag-fill-up o magsumite muli ng household composition form na nakukuha sa 4th floor MABC office.

Maaari pa din bang kumuha ng financial assistance sa MABC kung nakakuha na ng assistance sa ibang opisina (CSWDD, MPAS, etc.)?+

Burial Assistance: isang beses lamang maaaring magproseso. Hospitalization Assistance: maaari pa ring mag-apply sa iba pero depende sa evaluation o pagpasa ng CSWDD para sa referral slip.

Ano ang proyekto ng MABC for Working Students at sino ang target nito?+

Ang MABC for Working Students ay bagong proyekto sa ilalim ng MABC Program na layuning magbigay ng semestral na financial assistance sa mga kwalipikadong working students bilang suporta at pagkilala sa kanilang pagsisikap na suportahan ang kanilang sarili habang nag-aaral. Target: mga kabataang kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo habang may trabaho (part-time o full-time), dahil sa kanilang pagsisikap na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, pangangailangang pinansyal na nagiging hadlang sa edukasyon, at huwarang asal at dedikasyon bilang kabataan ng Malabon.

Contact Information

Para sa concern o problema sa blue card, tumawag sa MABC hotlines. Para sa pag-apply ng burial at hospitalization assistance, magtungo sa opisina ng MABC.

Opisina: 4th floor ng City Hall, opisina ng Malabon Ahon Blue Card

Voter's Certificate: COMELEC sa OSCA building tapat ng City Hall Malabon, libre

Oras ng USSC: Lunes hanggang Linggo; 9am-10pm kung nasa loob ng mall; 8am-5pm kung nasa labas ng mall

Cut-off sa pagpasa ng requirements: 3:00 PM

MABC hotline
09671372561Globe
MABC hotline
09625533610Smart
USSC hotline
(02) 8928-8772 o 0917-1808772Bukas 24/7
MABC | Malabon City (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV