UnofficialOfficial site ↗Report

Tamang Kaalaman at Koordinadong Aksyon para sa Maayos na Pamayanan

Nai-publish noong October 2, 2026, 11:29 am ni adminmalabon

Seminar ng CUPAO para sa maayos na pabahay

Isinagawa ng Community and Urban Poor Affairs Office (CUPAO), sa pangunguna ni OIC Marcell Unating, ang isang seminar tungkol sa pabahay na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 21 barangay ng Malabon, MMDA, DENR, PNP, at mga kawani ng lungsod.

Binigyang-diin ni Mayor Jeannie Sandoval ang makataong pagharap sa usapin ng informal settlements:

“Sa bawat tahanan, may mga pamilyang matagal nang naghahanap ng permanenteng matitirahan at limitado ang kanilang pagpipilian. Sila ang nangangailangan ng maayos na programa, tulong, at pagkakataong magkaroon ng mas ligtas na tahanan.”

Tinalakay ng mga resource person mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP), at Land Registration Authority (LRA) ang mga batas at proseso kaugnay ng:

  • urban housing
  • illegal structures
  • professional squatters at squatting syndicates
  • pagkilala sa mga pekeng land title at mga modus na dapat bantayan

Nagkaroon din ng open forum upang talakayin ang mga aktwal na sitwasyon sa mga komunidad at malinawan ang mga kalahok sa tamang prosesong dapat sundin.

Dumalo rin si Konsehal Atty. Maricar Torres, Chairperson ng Committee on Housing, bilang pakikiisa sa pagpapatibay ng koordinasyon para sa maayos, makatao, at naaayon sa batas na pagtugon sa mga usapin ng pabahay sa Malabon.

#BughawnaMalabon #MatatagnaMalabon

Mga larawan ng seminar

14 na larawan mula sa seminar: mga tagapagsalita kabilang si Mayor Jeannie Sandoval, mga resource person mula sa mga pambansang ahensya, mga kalahok mula sa barangay at lungsod sa open forum at group photo, at paggawad ng sertipiko sa mga dumalo.

Image on the original site · transcribed
Tamang Kaalaman at Koordinadong Aksyon para sa Maayos na Pamayanan | Malabon City (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV