UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

89,000 MUNWalk Sneakers

July 9, 2026 — July 2026, News and Announcement

Suporta sa pag-aaral ng kabataang Muntinlupeño

89,500 Pares ng Sapatos, Suporta ng Pamahalaang Lungsod sa Pag-aaral ng mga Kabataang Muntinlupeño

Aabot sa 89,500 MUNWalk sneakers ang ipamamahagi ng Pamahalaang Lungsod sa mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong elementarya at high school sa Muntinlupa.

Kasabay ng Libreng Balik Eskwela Package at Muntinlupa Scholarship Program, layunin ng inisyatibang ito na mabawasan ang gastusin ng mga pamilya at matiyak na mas handa ang bawat kabataang Muntinlupeño sa kanilang pag-aaral.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruffy Biazon at ng #MuntinlupeñoFirst policy, patuloy na pinalalawak ang mga programang namumuhunan sa edukasyon upang matiyak na walang batang Muntinlupeño ang maiiwan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Larawan ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan na nakataas ang mga kahon ng sapatos. May nakasulat sa ibabang bahagi ng larawan na: 89,500 PARES NG SAPATOS, SUPORTA NG PAMAHALAANG LUNGSOD SA PAG-AARAL NG MGA KABATAANG MUNTINLUPEÑO.

Image on the original site · transcribed

#Muntinlupa #MuntinlupaNakakaproud #RuffyBiazon

89,000 MUNWalk Sneakers | Muntinlupa City (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV