Published April 21, 2026 under April 2026, News & Announcement.
Muling binigyang-diin ni Mayor Ruffy Biazon ang mandato ng Pamahalaang Lungsod: F.R.E.E. (Fast, Responsive, Effective, and Efficient) Service with a Smile.
Hindi katanggap-tanggap na may ilang kawani pa rin sa City Hall ang patuloy na nairereklamo dahil hindi magalang o masungit habang naglilingkod ayon sa Punong-Lungsod.
"Walang lugar sa public service ang mga taong walang ganang ngumiti. If you cannot do your job courteously, take yourself somewhere else," mariing pahayag ni Mayor Biazon.
Ang F.R.E.E. Service with a Smile ay hindi simpleng slogan kundi isang direktiba mula sa Local Chief Executive na dapat sundin nang buong puso at seryosong pagtupad.
"This is an order. Take it seriously. Wala na sana akong marinig na may nasungitan na naman sa City Hall," dagdag pa ni Mayor Biazon.
How to report discourteous service
Sakaling may ma-encounter na masungit na empleyado, maaaring mag-message sa Muntinlupa Helpdesk FB page. Ilakip ang pangalan ng empleyado, tanggapan, pati araw at oras ng insidente para sa mas mabilis na aksyon.
Poster shows Mayor Ruffy Biazon with smiling city hall staff. Poster text reads: F.R.E.E. Service with a Smile - Fast, Responsive, Efficient, Effective. Bawal ang masungit na kawani ng gobyerno — Mayor Biazon. Includes City of Muntinlupa seal and MUN Muntinlupa logo.
Tags and categories
- →April 2026Category archive · April 2026
- →News & AnnouncementCategory archive · Category
- →#MuntinlupaHashtag
- →#MuntinlupeñoFirstHashtag
- →#FREEServicewithaSmileHashtag
- →#RuffyBiazonHashtag

