Bilang dagdag na serbisyo para sa mga Muntinlupeño, magbibigay ng libre, maayos, at mas accessible na transportasyon para sa mga higit na nangangailangan ang Muntinlupa E-Bus simula October 12.
Sa pamamagitan nito, mas mapapadali ang pagpunta sa mga pampublikong tanggapan at iba pang mahahalagang destinasyon, habang isinusulong din ang mas malinis at environment-friendly na transportasyon sa lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Ruffy Biazon ang paglulunsad nito kahapon, Oct. 5, kung saan binasbasan ang apat na e-bus at isinagawa ang test run at tour patungong Alabang upang matiyak ang kahandaan ng mga bus at ruta.
First come, first served basis at prayoridad ang mga senior citizens, PWDs, buntis, at mga pasyente ng OsMun sa libreng sakay. Para sa kumpletong guidelines, routes, schedules, at iba pang updates, bisitahin at i-follow ang Muntinlupa E-Bus official Facebook page.
#MuntinlupaEBUS #LibrengSakay #Muntinlupa #MuntinlupeñoFirst #MuntinlupaNakakaproud #RuffyBiazon
Harapang view ng asul na COMET e-bus (E-Bus No. 3, plaka SNI 5037) na may PWD accessibility sticker.
Loob ng E-Bus na may asul na upuan, hawakan, TV monitor, at markang "Watch your step".
Si Mayor Ruffy Biazon sa loob ng E-Bus habang kausap ang dalawang senior citizen na pasahero; makikita ang PWD priority seating sign sa bintana.

