UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

Muntinlupa Signs 4Ps Data Sharing Deal with DSWD-NCR

August 13, 2026 | August 2026, News & Announcement

Lumagda ang City Government of Muntinlupa at Department of Social Welfare and Development (DSWD-NCR) sa isang Data Sharing Agreement (DSA) upang mapabilis, mapahusay, at maging mas responsive ang pagbibigay ng serbisyo para sa 4,297 4Ps households sa walong barangay ng lungsod.

Sa pamamagitan ng DSA, mas mapapalakas ang case management at mas mapapadali ang pagtukoy sa mga pangangailangan ng mga benepisyaryo, kabilang ang:

  • Dagdag na suporta para sa health at nutrition
  • Mas angkop na assistance para sa education
  • Livelihood assessment para sa mga maaaring makinabang sa training at iba pang oportunidad
  • Mas mabilis at mas maayos na emergency response

Sa pamamagitan ng tama, napapanahon, at responsableng paggamit ng datos, mas matitiyak na ang mga programa at serbisyo ay targeted at nakatuon sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Ayon kay Mayor Ruffy Biazon, bahagi ito ng adhikain ng Muntinlupa na maging isang smart city kung saan ang mga desisyon para sa pag-unlad ng komunidad ay nakabatay sa datos at targeted interventions.

#Muntinlupa #MuntinlupeñoFirst #SSDMuntinlupa #RuffyBiazon

Signing photos

Two color photographs of the Data Sharing Agreement signing: one close-up of two officials in white barong holding signed documents in front of the City Government of Muntinlupa seal and flags; one wide shot of two officials seated signing documents at a table surrounded by DSWD-NCR and city staff standing around the Muntinlupa floor seal.

Image on the original site · transcribed
Muntinlupa Signs 4Ps Data Sharing Deal with DSWD-NCR | Muntinlupa City (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV