What happened
Published on July 30, 2026 under July 2026, News & Announcement.
Isang taos-pusong pagbati sa PNP Muntinlupa City Police Station, sa pangunguna ni Acting Chief of Police PCOL Olivia C. Ancheta, matapos mag-uwi ng apat na major awards sa 31st Police Community Relations (PCR) Month Culmination and Awarding Ceremonies ng Southern Police District (SPD) ngayong araw, July 30.
Kinilala ang PNP Muntinlupa bilang Outstanding PCAD City Police Station for Calendar Year 2026, habang pinarangalan din ang mga personnel nito bilang Outstanding PCAD Junior PCO (PMAJ Rolando O Ty), Outstanding PCAD Junior PNCO (PSSg Jimmy Berniza, Jr.), at Outstanding PCAD NUP (NUP Wilfredo dela Cruz, Jr.) — patunay ng kanilang dedikasyon sa mahusay na serbisyo publiko at matibay na ugnayan sa komunidad.
Ang mga pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng PNP Muntinlupa na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang lungsod sa pamamagitan ng people-centered policing at aktibong pakikipag-ugnayan sa mamamayan.
Patuloy namang pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Ruffy Biazon, ang matatag na pakikipagtulungan sa PNP Muntinlupa upang higit pang mapalakas ang peace and order at public safety — isang pangunahing prayoridad sa ilalim ng 7K Agenda.
Muli, congratulations sa buong Muntinlupa City Police Station sa isa na namang karangalang nagbigay ng pagmamalaki sa ating lungsod!
#MuntinlupaNakakaproud #MuntinlupeñoFirst #7KAgenda #RuffyBiazon #ToServeAndProtect
Congratulatory poster reads: Congratulations! Muntinlupa City Police Station! Outstanding PCAD City Police Station for Calendar Year 2026, Outstanding PCAD Junior PCO for Calendar Year 2026, Outstanding PCAD Junior PNCO for Calendar Year 2026, Outstanding PCAD NUP for Calendar Year 2026. Southern Police District Culmination & Awarding Ceremonies for the 31st Police Community Relations Month Celebration, July 30, 2026. The poster shows photos of the awarding ceremony with police officers receiving awards.

