UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

Pagpupugay sa Serbisyo at Pagpapahalaga sa Oras

June 1, 2026 | June 2026, News & Announcement

Detalye ng programa

Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ang Muntinlupa K9 Search and Rescue - SAR volunteers sa kanilang dedikasyon sa serbisyo, kabilang ang kanilang deployment sa Angeles City, Pampanga upang tumulong sa search and rescue operations kaugnay ng insidente ng pagguho ng gusali sa lugar kamakailan.

Ibinahagi rin ang pagkilala bilang Public Sector Excellence Awardee ng Muntinlupa Data Privacy Committee mula sa National Privacy Commission, patunay ng mahusay na data privacy management at pagsunod sa mataas na pamantayan ng transparency at accountability ng lungsod.

Binigyang-diin naman ni Mayor Ruffy Biazon ang kahalagahan ng tamang paggamit ng oras sa kanyang mensahe ngayong umaga sa regular na pagtataas ng watawat sa City Quadrangle.

Ayon sa Punong-Lungsod, lahat ay may parehong 24 oras sa isang araw, kaya ang mahalaga ay kung paano ito ginagamit upang maging mas produktibo at makabuluhan ang bawat gawain.

Ibinahagi rin niya ang konsepto ng Eisenhower Matrix, partikular ang Quadrant 2 na tumutukoy sa mga gawain na "important but not urgent." Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at paghahanda, naiiwasan ang mga sitwasyong nagiging apurahan dahil sa kakulangan sa paghahanda, at mas napagtutuunan ng pansin ang mga gawaing tunay na mahalaga.

Pinangunahan ng Squatting Prevention and Control Department (SPCD) ang programa ngayong unang araw ng Hunyo.

#Muntinlupa #MuntinlupeñoFirst #MuntinlupaNakakaproud #RuffyBiazon

Mga larawan sa programa

Mga larawan mula sa flag ceremony sa City Quadrangle noong June 1, 2026: (1) si Mayor Ruffy Biazon na nagsasalita sa mikropono; (2) isang babaeng kawani na nagsasalita sa mikropono; (3) group photo ng Muntinlupa K9 Search and Rescue - SAR volunteers kasama ang kanilang mga aso at mga opisyal sa harap ng City Hall.

Image on the original site · transcribed
Pagpupugay sa Serbisyo at Pagpapahalaga sa Oras | Muntinlupa City (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV