Pormal na iginawad ng TÜV Rheinland Philippines, Inc., sa pangunguna ng Managing Director na si Engr. Tristan Arwen Loveres, ang 14 ISO 9001:2015 Certificates sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa bilang pagkilala sa pagsunod ng iba't ibang tanggapan ng lungsod sa pandaigdigang pamantayan ng Quality Management System (QMS).
Ang ISO 9001:2015 certification ay nagpapatunay na ang mga sistema at proseso ng mga tanggapan ay sumailalim sa mahigpit na pamantayan upang matiyak ang mas maayos, episyente, at maaasahang paghahatid ng serbisyo publiko para sa mga Muntinlupeño.
Alinsunod ito sa isinusulong ni Mayor Ruffy Biazon na F.R.E.E. Service with a Smile (Fast, Responsive, Effective, and Efficient), na naglalayong gawing mas mabilis, simple, at maginhawa ang bawat transaksyon ng mamamayan sa Pamahalaang Lungsod.
Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng QMS Team, QMS Focal Persons, Document and Records Custodians (DRCs), at QMS Auditors sa pamumuno ni Mr. Noel Edward S. Morales bilang Quality Management Representative (QMR). At sa mga kawani at opisina sa kanilang dedikasyon, malasakit, at walang sawang pagtutulungan sa pagpapatupad ng QMS nitong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan.
#MuntinlupeñoFirst #RuffyBiazon #ISO9001 #QualityService
Larawan 1: Opisyal ng TÜV Rheinland Philippines na nagsasalita sa mikropono habang iginagawad ang sertipiko kay Mayor Ruffy Biazon sa seremonya sa City Hall. Larawan 2: Group photo ng mga kawani at opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na may hawak na mga ISO 9001:2015 certificates sa harap ng Muntinlupa City Hall.

