UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

Iwasan ang heat stroke

April 7, 2026 — April 2026, News and announcement from the City Government of Muntinlupa

Matinding sikat ng araw at init ng panahon na maaaring magdulot ng heat stroke ang iniiwasan nating mangyari tuwing summer.

Narito ang ilan sa mga paalala ng Pamahalaang Lungsod upang maiwasan ang heat stroke:

Paalala upang maiwasan ang heat stroke

  • Ugaliing uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw
  • Limitahan ang oras na ginugugol sa labas tuwing katirikan ng araw
  • Iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, at softdrinks
  • Ugaliin ang pagsusuot ng sumbrero, long sleeves, at panakip na damit kung nasa labas, para maiwasan na mabilad sa araw ang balat at katawan
  • Gawin ang mga heavy duty activities sa mga oras na malamig ang panahon, kung maaari ay paggising sa umaga o sa dakong pahapon

I-enjoy ang summer, hydrate and keep safe, Muntinlupeños!

Source: City Health Office-Muntinlupa

Emergency hotlines

For any emergencies, maaaring tawagan ang Muntinlupa Emergency Hotline Numbers:

Muntinlupa Emergency Hotline137-175
Muntinlupa Emergency Hotline8373-5165
mobile
0921-5427123Smart
mobile
0927-2579322Globe

Report emergencies via iRespond Muntinlupa app

You may also download the iRespond Muntinlupa app to report emergencies:

Iwasan ang heat stroke poster

Poster titled Iwasan ang Heat Stroke, Source: Muntinlupa City Health Office.

Heat stroke causes:

  • Mainit na panahon
  • Masiglang pag-ehersisyo sa init
  • Dehydration o kulang sa tubig
  • Matagal na pagbababad sa init ng araw

Heat stroke prevention:

  • Uminom ng maraming tubig araw-araw, kung maaari 8 hanggang 10 baso ng tubig
  • Limitahan ang oras na ginugugol sa labas
  • Iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, at softdrinks
  • Magsuot ng sumbrero, long-sleeves at panakip na damit kung nasa labas upang maiwasan mabilad sa araw ang inyong balat at katawan
  • Magsagawa ng heavy duty activities sa mas malamig na panahon, kung maaari sa paggising sa umaga o sa dakong pahapon

Contacts on poster: City Health Office - Muntinlupa, cityhealthoffice2015@gmail.com, (02) 8541-3485. OfficialRuffyBiazon | OfficialMuntinlupaCity.

Image on the original site · transcribed

Maging #AlertoMuntinlupeño at mag-ingat po ang lahat.

#Muntinlupa #iRespond #RuffyBiazon #BeatTheHeat

Iwasan ang heat stroke | Muntinlupa City (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV