UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

Focus Group Discussion, Sentro ng Ikalawang Araw ng Mangyan Summit

October 27, 2026 | News by PISD

Larawan ng mga lider ng Indigenous Peoples at mga kinatawan ng ahensya ng pamahalaan na nakaupo sa paligid ng mesa habang nagsasagawa ng focus group discussion sa loob ng hall.

Image on the original site · transcribed

Sa ikalawang araw ng Mangyan Summit 2026, naging sentro ang Focus Group Discussion (FGD) sa pagitan ng mga lider ng Indigenous Peoples (IP) at mga kinatawan ng iba't ibang konsernadong ahensya ng pamahalaan.

Layunin ng naturang talakayan na direktang makalap ang mahahalagang datos, impormasyon, at pananaw mula sa pitong tribu ng mga katutubo upang mas malinaw na matukoy ang kanilang mga pangunahing pangangailangan, suliranin, at prayoridad. Malaking bahagi ito upang pagbasehan ng mga kinakailangang programa at serbisyong ipagkakaloob sa kanilang mga pamayanan.

Mahalaga ang ganitong proseso upang matiyak na ang mga programang mabubuo ay hindi lamang nakabatay sa pangkalahatang pagtataya, kundi sa aktwal na karanasan, saloobin, at pangangailangan ng mga katutubong pamayanan.

Sa kabuuan, binibigyang-diin ng ikalawang araw ng Mangyan Summit 2026 ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga katutubo sa pagpaplano at pagbuo ng mga programang direktang makaaapekto sa kanilang mga komunidad, sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga tinig at pagsasaalang-alang sa kanilang tunay na pangangailangan.

Nakibahagi sa ikalawang araw si Vice-Governor Antonio S. Perez, Jr. at ipinahayag ang suporta ng SP sa mga katutubong Mangyan.

Samantala, maliban kay VG Perez, Mangyan Summit Program Facilitator at Sarilaya Inc. Secretary General Myrna Jimenez, PSWDO Social Welfare Officer IV Hazel Fortus, at Provincial IPMR Sangguniang Panlalawigan Board Member Lagtum Pasag, dumalo rin dito sina SP 2nd District Board Member Anthony Yap, Board Member Paulo Umali at Board Member Atty. Roland Ruga na kapwa nagpahayag ng pakikiisa at suporta sa naturang sektor.

#thecapitolnews

Source and related stories

Focus Group Discussion, Sentro ng Ikalawang Araw ng Mangyan Summit | Oriental Mindoro (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV