Tinalakay ngayong araw ang 2027 Annual Investment Program (AIP) at Annual Budget ng Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang Committee Hearing ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa Batasang Panlalawigan.
Personal na iprinesenta ni Gobernador Humerlito "Bonz" A. Dolor ang P3.7 bilyong panukalang budget ng Pamahalaang Panlalawigan at P5.6 bilyong Annual Investment Program sa naturang pagdinig.
Group photo of officials and department heads at the FY 2027 Annual Investment Program and Annual Budget Hearing in the Batasang Panlalawigan session hall.
Mga prayoridad ng panukalang budget
Ayon kay Gob. Dolor, nakatuon ang panukalang budget ng Pamahalaang Panlalawigan sa tatlong pangunahing prayoridad. Isiniguro rin niya na nakatuon ang istruktura ng panukalang budget para sa 2027 sa mga pangunahing pangangailangan ng lalawigan.
- Paghahanda sa El Niño — Paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño
- Pagpapatuloy ng mga programa — Pagpapatuloy at pagkumpleto sa mga nasimulang programa at proyekto ng Kapitolyo
- Pakinabang ng publiko sa natapos na proyekto — Pagtitiyak na magagamit at mapakikinabangan ng publiko ang mga proyektong naipatapos na
Mga dumalo sa pagdinig
Kasama ng Gobernador sa SP Hearing ang mga department head ng iba't ibang tanggapan sa Kapitolyo, sa pangunguna ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II.
Pinangunahan ni SP Committee on Planning and Budgeting Chairperson Board Member Ryan Z. Arago ang pagdinig.
Dumalo rin si Vice Governor at SP Presiding Officer Antonio S. Perez, Jr. kasama ang mga Bokal na sina Atty. Farah Fay Ilano Navarro, Alely Casubuan Tan, Ronalee E. Leachon, Voltaire B. Brucal, Atty. Jomarc Philip Dimapilis, Atty. Roland Ruga, Anthony Yap, Jean Paulo Umali, gayundin sina PCL President Marion Francis Marcos, ABC President Ralph G. Recto, IPMR Lagtum Pasag at SK Provincial Federation President Jam Dolor.
#thecapitolnews

