UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

Kinilala ni Mayor Emi ang PCPCC sa paghahanda ng mga sementeryo sa lungsod sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa mga puntod ng mga minamahal na yumao ngayong Undas

October 27, 2026 | Mayor's Desk flag ceremony led by the Office of the Pasay City Public Cemetery and Crematorium

Mayor Emi Calixto-Rubiano with PCPCC staff and students during flag ceremony

Transcription of text overlaid on photo: “Let us make each day count by making sure that all projects are implemented at its best by working together hand-in-hand ensuring 2026 will be the best year as yet for our humble home, Pasay!”

Image on the original site · transcribed

“Let us make each day count by making sure that all projects are implemented at its best by working together hand-in-hand ensuring 2026 will be the best year as yet for our humble home, Pasay!” wika ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano sa pagpupugay sa watawat na pinangunahan ng Office of the Pasay City Public Cemetery and Crematorium (PCPCC), Oktubre 26, 2026.

Kinilala ni Mayor Emi ang PCPCC sa paghahanda ng mga sementeryo sa lungsod sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa mga puntod ng mga minamahal na yumao ngayong Undas. Ibinahagi niya na ang anunsyo ukol sa maayos at mapayapang paggunita ng Todos Los Santos ay masusing naplano katuwang ang iba't-ibang ahensya ng lokal na pamahalaan gayundin ang pagsiguro na malinis at may dignidad ang himlayan ng mga pumanaw na Pasayeño.

Binigyang-diin ng Punong Lungsod na bagaman patapos na halos ang buwan ng Oktubre at ang taong 2026 ay patuloy na naibibigay sa bawat Pasayeño ang Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod sa lahat ng mga proyekto at serbisyong “from womb to tomb” upang makatulong sa pag-angat ng antas ng buhay ng bawat taga-Pasay.

News and Updates

Kinilala ni Mayor Emi ang PCPCC sa paghahanda ng mga sementeryo sa lungsod sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa mga puntod ng mga minamahal na yumao ngayong Undas | Pasay City (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV