UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

Selebrasyon ng Araw ng laungsod San Jose kasama ang mga Magsasaka

News • March 05, 2026

Photo of City Agriculture Office 56th City Day display with vegetables and mushroom fruiting bags on a table

Image on the original site · transcribed

Selebrasyon ng Araw ng Lungsod San Jose kasama ang mga magsasaka

Selebrasyon ng Araw ng Lungsod San Jose kasama ang mga magsasaka

Mistulang piyesta ng mga magsasaka sa City Agriculture Office kahapon, Agosto 6 matapos mamahagi rito ng iba't ibang kagamitang pang-agrikultura, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-56 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose.

Bukod sa fingerlings, fruiting bags, at buto at punla ng gulay, ipinagkaloob din ang rice combine harvester, mushroom fruiting bags, pitcher pump, gill nets, fish vending machines, tribike, cooler, weighing scale, at mga crate.

Dinaluhan ito ng higit 200 magsasaka mula sa iba't ibang kooperatiba at samahan sa ilang barangay na lubos ang pasasalamat sa naturang programa.

Bumisita rin dito ang ilang konsehal at si Vice Mayor Evangel Shalom Manugue na nagpahayag ng kani-kanilang paghanga at suporta sa sektor ng agrikultura.

#56thSanJoseCityDay

Photos

Photo gallery with button labeled View all photos. Gallery images did not load in the archived page.

Image on the original site · transcribed
Selebrasyon ng Araw ng laungsod San Jose kasama ang mga Magsasaka | San Jose City (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV