UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

Bagong Tatlong-Palapag na Barangay Hall ng Barangay R. Eugenio, Pinasinayaan

News • July 20, 2026 • Led by: Office of the City Mayor

Bagong tatlong-palapag na Barangay Hall ng Barangay R. Eugenio - dilaw at berdeng Brgy. R. Eugenio Multi-Purpose Bldg. na may mga tao sa harap sa araw ng inagurasyon

Image on the original site · transcribed

Detalye ng balita

Pormal nang pinasinayaan at binasbasan ang bagong tatlong-palapag na Barangay Hall ng Barangay R. Eugenio nitong Martes, Hulyo 28, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng imprastraktura at serbisyong pampubliko sa mga barangay.

Pinangunahan ni Mayor Josel “James” Violago ang programa, habang binasbasan naman ni Rev. Fr. Vic Kevin Ferrer ang naturang gusali.

Nakiisa rin sa aktibidad si G. Ronnel Ubungen, San Jose City DILG Officer, kasama ang mga opisyal at kawani ng Brgy. R. Eugenio sa pamumuno ni Punong Barangay Acel Soriano.

Magbibigay rin ito ng mas angkop na pasilidad para sa pagsasagawa ng mga programa, pagpupulong, at iba pang gawaing pangkomunidad para sa kapakinabangan ng mga residente ng Barangay R. Eugenio.

Mga larawan

Photo gallery mula sa inagurasyon at pagbabasbas ng gusali. Gamitin ang View all photos upang makita ang lahat ng larawan.

Image on the original site · transcribed
Bagong Tatlong-Palapag na Barangay Hall ng Barangay R. Eugenio, Pinasinayaan | San Jose City (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV