Inauguration of the Tiaong TESDA Center
Pormal nang binuksan ang Tiaong TESDA Center, isang hakbang upang mas mapalapit ang skills training at oportunidad sa kabuhayan para sa mga mamamayan.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Edwin Baruelo ang blessing ng pasilidad, na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga department heads, mga Kapitan ng Barangay at SK Chairmen, Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap. Juanito Umali, San Manuel Homeowners Association, mga senior citizens mula sa Brgy. Lagalag, at 25 bagong TESDA enrollees.
Pormal ding dumalo si Mayor Vincent Arjay Mea kasama ang kanyang pamilya — si Mayora Mabeth Mea at Sir Danny Mea — bilang suporta sa pagbubukas ng nasabing pasilidad.
Lubos namang nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan sa suporta ng DepEd, NHA, TESDA sa pangunguna nina Provincial Director Benito Reyes at Regional Director Jovencio Ferrer Jr., gayundin kay Engr. Charie Pagkaliwangan, TESDA OIC, sa patuloy na pagtulong para maisakatuparan ang proyektong ito.
Layunin ng Tiaong TESDA Center na magbigay ng mas maraming pagkakataon sa pag-aaral ng kasanayan at pag-unlad ng kabuhayan sa bayan.
Key participants
- RFRev. Fr. Edwin Baruelo
Led the blessing of the facility
- MVMayor Vincent Arjay MeaMunicipal Mayor
Attended with family to support the opening of the facility
- MMMayora Mabeth Mea
Attended with Mayor Vincent Arjay Mea
- SDSir Danny Mea
Attended with Mayor Vincent Arjay Mea
- KJKap. Juanito Umali
Led Sangguniang Barangay attendees
- PDProvincial Director Benito ReyesTESDA
TESDA Provincial Director
- RDRegional Director Jovencio Ferrer Jr.TESDA
TESDA Regional Director
- ECEngr. Charie PagkaliwanganTESDA
TESDA Officer-in-Charge
The page shows six photos from the inauguration, including an official speaking at a podium with the municipal seal. Five of the six images did not load in the archived view and have no captions or alternative text.

