UnofficialOfficial site ↗ReportFeedback

Rabies Program

Rabies prevention, pet vaccination, and what to do for animal bites in Western Visayas

Rabies awareness month

March is Rabies Awareness Month.

Rabies-free na pusa't aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino!

Makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan upang mabakunahan sila ng libre taon-taon.

Para sa listahan ng mga Animal Bite Treatment Centers, i-scan ang QR code sa poster.

Nakagat o nakalmot? What to do

Kung nakagat o nakalmot ng aso o pusa, gawin agad ang sumusunod:

  1. 01
    Hugasan agad ng sabon at tubig at magtungo sa health center

    Wash the bite or scratch immediately with soap and water and go to the health center.

  2. 02
    Magpatingin sa Animal Bite Center upang maiwasan ang rabies na maaaring ikamatay

    Consult at an Animal Bite Center to prevent rabies which can cause death.

Ano ang rabies?

Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng virus mula sa laway ng hayop, karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng kagat o kalmot ng aso at pusa.

  • Pabakunahan ang alagang hayop laban sa rabies taon-taon — Have pet dogs and cats vaccinated against rabies every year.
  • Huwag hayaang gumala ang alaga sa kalsada — Do not let pets roam the streets.
  • Iwasang lumapit o humawak sa di-kilalang hayop — Avoid approaching or touching unfamiliar animals.
  • Turuan ang bata na huwag harutin ang mga alagang hayop — Teach children not to tease pets and stray animals.

Paano malalaman kung may rabies ang hayop?

Maging wais, iwasan ang rabies. Obserbahan ang mga sumusunod na palatandaan sa hayop:

  • Dating tahimik, naging agresibo o matatakutin
  • Labis na paglalaway
  • Takot sa tubig at liwanag
  • Hirap lumakad at nanginginig
  • Namatay sa loob ng 14 na araw matapos lumitaw ang sintomas
Rabies Program | DOH Western Visayas (unofficial RE:GOV concept) · RE:GOV