PhilHealth YAKAP: Yaman ng Kalusugan Program
Ang PhilHealth YAKAP ay programa ng gobyerno na naglalayong tulungan ang mga Pilipino na mapangalagaan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang sakit.
Babantayan ng mga YAKAP Clinics ang kalusugan ng mga miyembro para ang bawat Pilipino ay mapanatili ang mabuting kalusugan, maagang matukoy ang anumang karamdaman, at mabigyan ng kaukulang gamot para hindi na lumala ang sakit at maiwasan ang pagpapa-ospital.
Lahat tayo, miyembro o dependent, bata man o matanda, ay kasama sa programang ito para maging malayo tayo sa sakit.
Anu-ano ang mga benepisyo sa PhilHealth YAKAP?
Apat na pangunahing benepisyo para malayo sa sakit.
Primary care checkup sa YAKAP Clinic
Laboratory test ayon sa pangangailangan
Libreng gamot sa ilalim ng GAMOT program, hanggang 75 na uri ng gamot
Cancer screening test para sa maagang pagtukoy ng sakit
Sino ang mga miyembro ng YAKAP?
Lahat ng miyembro o dependent, bata man o matanda, ay kasama sa programa.
Retired, at least 60 years old, with 120 months contribution
Retired, at least 60 years old, with 120 months contribution
Overseas Filipino Workers
Pantawid Pamilyang Pilipino Program
Paano ang proseso at paggamit ng PhilHealth YAKAP?
- 01Magparehistro.
Tiyaking may PhilHealth Identification Number o PIN at updated ang iyong membership.
Step 1 - 02Pumili.
Pumili ng YAKAP Clinic gamit ang eGovPH Super App, PhilHealth Member Portal, o sa pinakamalapit na PhilHealth Office.
Step 2 - 03Magpa-First Patient Encounter.
Sumailalim sa FPE: medical history taking, health screening, at health education.
Step 3 - 04Magpalista.
Pumirma sa ibibigay na form bilang pagsang-ayon sa kasunduang patuloy kang aalagaan ng napiling YAKAP Clinic.
Step 4 - 05Patuloy na magpakonsulta.
Magpakonsulta para maresetahan ng kinakailangang gamot, mabigyan ng referral para sa laboratory at/o cancer screening test kung kinakailangan, at ma-assess kung kailan ang follow-up checkup.
Step 5
Iba pang impormasyon sa PhilHealth YAKAP
We’re building a healthier Philippines, one heart at a time.
PhilHealth YAKAP is our pledge to you and your family that your health is our priority, today and always.

