Banner graphic showing an illustration of Malacañan Palace inside an oval seal with the text MALACAÑAN PALACE on a blue gradient background.
By PCO · Oct 21, 2026 12:00:00 AM · 6 days ago
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tugisin ang mga puganteng nagtatago sa ibang bansa upang matiyak na hindi sila makakaiwas sa pananagutan sa ilalim ng batas.
Sa Palace briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na dapat gawin ng mga awtoridad ang mga kinakailangang hakbang alinsunod sa batas at sa mga direktiba ng Pangulo.
“Kung ano ang dapat gawin ng gobyerno, kung ano ang mga nasasaad sa ating batas, gawin ang dapat gawin… iyan ang utos ng Pangulo,” ani Castro.
Samantala, kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Martes na nakalabas na ng bansa ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na iniuugnay sa pagkawala ng ilang sabungero.
