Matinding sikat ng araw at init ng panahon na maaaring magdulot ng heat stroke ang iniiwasan nating mangyari tuwing summer.
Narito ang ilan sa mga paalala ng Pamahalaang Lungsod upang maiwasan ang heat stroke:
Paalala upang maiwasan ang heat stroke
- Ugaliing uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw
- Limitahan ang oras na ginugugol sa labas tuwing katirikan ng araw
- Iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, at softdrinks
- Ugaliin ang pagsusuot ng sumbrero, long sleeves, at panakip na damit kung nasa labas, para maiwasan na mabilad sa araw ang balat at katawan
- Gawin ang mga heavy duty activities sa mga oras na malamig ang panahon, kung maaari ay paggising sa umaga o sa dakong pahapon
I-enjoy ang summer, hydrate and keep safe, Muntinlupeños!

