Detalye ng balita
Pormal nang pinasinayaan at binasbasan ang bagong tatlong-palapag na Barangay Hall ng Barangay R. Eugenio nitong Martes, Hulyo 28, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng imprastraktura at serbisyong pampubliko sa mga barangay.
Pinangunahan ni Mayor Josel “James” Violago ang programa, habang binasbasan naman ni Rev. Fr. Vic Kevin Ferrer ang naturang gusali.
Nakiisa rin sa aktibidad si G. Ronnel Ubungen, San Jose City DILG Officer, kasama ang mga opisyal at kawani ng Brgy. R. Eugenio sa pamumuno ni Punong Barangay Acel Soriano.
Magbibigay rin ito ng mas angkop na pasilidad para sa pagsasagawa ng mga programa, pagpupulong, at iba pang gawaing pangkomunidad para sa kapakinabangan ng mga residente ng Barangay R. Eugenio.
Photo gallery mula sa inagurasyon at pagbabasbas ng gusali. Gamitin ang View all photos upang makita ang lahat ng larawan.

