Published August 28, 2026 under August 2026 and News & announcement.
Kinilala muli ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ating lungsod bilang isa sa mga LGUs na pumasa sa Good Financial Housekeeping (GFH) Assessment.
Ang parangal na ito ay patunay ng tapat na pamamahala ng pondo, transparency, at fiscal accountability ng Pamahalaang Lungsod. Taon-taon, kabilang ang Muntinlupa sa mga LGUs na consistent na pumapasa sa GFH, indikasyon ng maayos na paggamit ng resources para sa kapakanan ng bawat Muntinlupeño.
Sa pamumuno ni Mayor Ruffy Biazon, patuloy na isinusulong ang responsableng pamamahala at people-first governance, kung saan ang bawat programa ay nakatuon sa tunay na pangangailangan ng komunidad.
Poster shows Muntinlupa City Hall with text: "Congratulations! Muntinlupa City - Consistent Passer of the Good Financial Housekeeping Award. Recognized by the Department of the Interior and Local Government for excellence in transparency, fiscal accountability, and good governance."

