Detalye ng pagkilala
Muling kinilala ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang Lungsod ng Muntinlupa sa 2026 Most Business-Friendly LGU Awards bilang isa sa Top 5 sa City Level 1A category, at tumanggap ng Special Citation.
Consistent Top 5 finalist ang lungsod sa loob ng dalawang magkasunod na taon, 2025 at 2026, bilang pagkilala sa mga hakbang nito para sa mas maayos at business-friendly environment.
“Isang malaking tagumpay ito na nagpapakita ng commitment natin sa transparent governance, streamlined services, at pagbuo ng isang thriving environment para sa investors at MSMEs,” ayon kay Mayor Ruffy Biazon.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang transparent na pamamahala at episyenteng serbisyo upang masuportahan ang mga negosyante at mamumuhunan. Layunin nitong makahikayat ng mas maraming negosyo, lumikha ng trabaho, at magbukas ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan, lalo na para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
#MuntinlupaNakakaproud #MuntinlupeñoFirst #RuffyBiazon #Muntinlupa
Group photo ng mga opisyal ng Lungsod ng Muntinlupa at PCCI sa entablado, kasama ang Most Business-Friendly LGU Special Citation Award City Level 1A para sa Muntinlupa City. Nasa likod ang seal ng Lungsod ng Muntinlupa.

