Lumagda ang City Government of Muntinlupa at Department of Social Welfare and Development (DSWD-NCR) sa isang Data Sharing Agreement (DSA) upang mapabilis, mapahusay, at maging mas responsive ang pagbibigay ng serbisyo para sa 4,297 4Ps households sa walong barangay ng lungsod.
Sa pamamagitan ng DSA, mas mapapalakas ang case management at mas mapapadali ang pagtukoy sa mga pangangailangan ng mga benepisyaryo, kabilang ang:
- Dagdag na suporta para sa health at nutrition
- Mas angkop na assistance para sa education
- Livelihood assessment para sa mga maaaring makinabang sa training at iba pang oportunidad
- Mas mabilis at mas maayos na emergency response
Sa pamamagitan ng tama, napapanahon, at responsableng paggamit ng datos, mas matitiyak na ang mga programa at serbisyo ay targeted at nakatuon sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Ayon kay Mayor Ruffy Biazon, bahagi ito ng adhikain ng Muntinlupa na maging isang smart city kung saan ang mga desisyon para sa pag-unlad ng komunidad ay nakabatay sa datos at targeted interventions.
#Muntinlupa #MuntinlupeñoFirst #SSDMuntinlupa #RuffyBiazon

