Kinilala ng National Privacy Commission ang Muntinlupa Data Privacy Committee sa Privacy Awareness Week Awards 2026, sa pangunguna ni Atty. Nemei Santiago at ng ating mga Data Privacy Officers.
Awards received
- Public Sector Excellence Award – Winner — Winner
- Privacy Management Program of the Year – Finalist — Finalist
- Privacy Initiative of the Year – Finalist — Finalist
- NPC Seal of Registration Compliance Excellence Award – Finalist — Finalist
Ang Public Sector Excellence Award ang pinakamataas na pagkilala para sa mga ahensya ng gobyerno na nagiging modelo ng best practices sa data privacy. Ibig sabihin, ang Muntinlupa ay hindi lang sumusunod sa batas, kundi nangunguna sa transparency, accountability, at proteksyon ng personal data ng mga mamamayan.

