Attendees seated at tables in a conference room during the joint coordination meeting for Fiesta MAHAL TANA.
Paghahanda para sa ika-76 na Araw ng Oriental Mindoro
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro para sa pagdiriwang ng Fiesta MAHAL TANA: The 76th Araw ng Oriental Mindoro.
Kaugnay nito, nagpatawag ng pagpupulong ang Provincial Tourism Office sa pangunguna ni Provincial Tourism Officer Dr. Dhon Stepherson V. Calda, sa mga pangunahing tanggapan ng Kapitolyo, kasama ang mga kinatawan ng iba't ibang bayan na katuwang sa pagpapadaloy ng programa sa sabayang pagdaraos ng Misa ng Sambayanan, Parada ng Sambayanan at iba pang programa sa bawat bayan sa ika-15 ng Nobyembre.
Sa pagpupulong, tinalakay ang mga kinakailangang ihanda at isaalang-alang upang maging maayos ang daloy ng programa.
Nilapatan naman ng nararapat na solusyon ang mga natukoy na iba't ibang isyu at pangangailangan ng bawat bayan.
Bilang kinatawan ni Gobernador Humerlito "Bonz" A. Dolor, pinasalamatan ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II ang lahat ng mga dumalo sa pagpupulong na aniya'y malaki ang magiging gampanin upang matagumpay na maisagawa ang lahat ng mga nakalinyang programa sa nalalapit na anibersaryo ng lalawigan sa darating na Nobyembre.

