Program overview
Habang papalapit ang pagpili ng strand at unti-unting nabubuo ang kanilang mga plano pagkatapos ng Grade 10, mahalagang magkaroon ang mga estudyante ng sapat na kaalaman sa mga opsyong maaari nilang tahakin.
Kabuuang 647 Grade 10 students mula sa Santiago Syjuco Memorial Integrated Secondary School at Tinajeros National High School ang naging bahagi ng Career Development Support Program, 43 mula sa Santiago Syjuco at 604 mula sa Tinajeros NHS.
Sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) Malabon, sa ilalim ng pamamahala ni Officer-In-Charge Luziel Gutierrez, mas nakilala ng mga estudyante ang kanilang interes at kakayahan, pati ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng strand, kurso, at career na nais nilang tahakin.
Nagbahagi rin si Jo-Anne F. Lacsamana ng City of Malabon Polytechnic Institute (CMPI) tungkol sa mga skills training at oportunidad na maaaring paghandaan ng mga estudyante, habang nagbigay naman ang Philippine Red Cross ng basic Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) session bilang dagdag na praktikal na kaalaman para sa mga mag-aaral.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, patuloy na inilalapit ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa mga paaralan ang mga programang makatutulong sa kabataang Malabueño na mas makilala ang kanilang kakayahan at maging handa sa mga desisyong huhubog sa kanilang kinabukasan.
#CareerDevelopmentSupportProgram #KabataangMalabueño #BughawNaMalabon #MatatagNaMalabon

