Ang Mayor
Bilang unang babaeng mayor ng lungsod, si Hon. Jeannie Sandoval ang sumasalamin sa panawagan ng mga mamamayan ng Malabon para sa pagbabago at bagong uri ng pamumuno.
Ang hangarin ni Mayor Jeannie Sandoval para sa tunay na pamamahalang nakasentro sa tao ay nagsimulang matupad noong siya ay vice mayor ng lungsod mula 2013 hanggang 2019. Sa mga adbokasiyang nakaugat sa social welfare at women empowerment, pinangunahan niya ang Sangguniang Panlungsod upang magtrabaho para sa kalusugan, edukasyon, serbisyong panlipunan, gayundin sa mga programang pangnegosyo at pangkabuhayan.
Bilang tunay na "Sandigan" ng mga mamamayan ng Malabon, ang kahusayan ni Mayor Jeannie sa paglilingkod sa publiko ay lampas sa kanyang mga tungkulin sa Pamahalaang Lungsod. Kinilala siya para sa mga tagumpay ng Soroptimist International of Malabon sa ilalim ng kanyang pamumuno sa Malabon mula 2008 at noong 2016 ay inanyayahang magsalita sa 56th Session of the Commission on the Status of Women sa UN Headquarters sa New York. Ang kanyang gawain para sa non-government organization ay nagkamit ng parangal para sa Most Outstanding Club noong 2011 at 2012 sa International Philippine Region Conference.
Si Mayor Jeannie Sandoval ay nag-aral ng —— para sa kanyang elementarya at sekondarya at nagtapos ng Bachelor's Degree in Computer Science mula sa De La Salle University.
Nagsilbi rin siya bilang Chairperson ng Philippine Red Cross-Malabon City Chapter, gayundin bilang isa sa Board of Directors ng Development Bank of the Philippines, at bilang President ng Genesis Industrial Gases Corporation.
Kasal kay dating Congressman Federico "Ricky" Sandoval, patuloy silang magkatuwang na naglilingkod sa mga mamamayan ng Malabon sa bawat kakayahan.
Para kay Mayor Jeannie, ang paglilingkod sa publiko ay hindi lamang tungkuling dapat gampanan, ito ay isang tawag na dapat ipaglaban at alagaan sa bawat pagkakataon, mula sa isang taga-Malabon para sa kapwa taga-Malabon.
Ahon, Malabon!
- HJHon. Jeannie N. SandovalMayor ng Lungsod
Unang babaeng mayor ng Malabon City; vice mayor mula 2013 hanggang 2019; tagapagtaguyod ng social welfare at women empowerment; dating Chairperson ng Philippine Red Cross-Malabon City Chapter, Board of Directors ng Development Bank of the Philippines, at President ng Genesis Industrial Gases Corporation.

