Ano ang Malabon Ahon Blue Card?
Ang Malabon Ahon Blue Card o MABC, ay isang pangunahing programang panlipunan ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, na nakabatay sa prinsipyong “Walang Maiiwan”.
Ito ay nagsisilbing isang mekanismo ng maayos at episyenteng pamamahagi ng tulong sa mga kwalipikadong kabahayan, upang matiyak ang pantay at napapanahong akses sa mahahalagang serbisyong panlipunan.
Ano-ano ang mga serbisyo nito?
Ang Regular Assistance ay ang pangunahing quarterly assistance sa ilalim ng Malabon Ahon Blue Card (MABC) Program, na nagbibigay ng tulong sa mga kwalipikadong household head ng Malabon. Ang assistance ay ibinibigay apat (4) na beses bawat taon, o isang beses bawat quarter, at may isang (1) karagdagang bonus assistance sa pagtatapos ng taon.
Sino ang maaaring mag-apply?
Walang hiwalay na aplikasyon para sa Regular Assistance. Awtomatikong kabilang dito ang mga rehistrado at aktibong MABC beneficiary/household head na patuloy na nakakatanggap at kumukuha ng kanilang quarterly assistance, hangga't nananatili silang kwalipikado at walang paglabag sa mga itinakdang alituntunin, patakaran, at kondisyon ng programa.
Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng proyektong ito?
Apat (4) na regular quarterly assistance bawat taon, kasama ang isang (1) bonus assistance sa year-end. Maaaring ibigay ang assistance sa cash o goods, depende sa itinakdang form ng assistance. Kapag cash, maaaring i-withdraw sa designated USSC branches, ATMs, at/o gamitin sa mga POS (Point-of-Sale) terminals. Kapag goods, maaaring i-redeem sa mga designated redemption sites.
Ano-ano ang mga kinakailangan na dokumentong ipakita?
MABC/Blue Card lamang at kailangang alam ng beneficiary ang kaniyang personal identification number (PIN) para sa withdrawal o paggamit ng assistance.
- Quarterly Assistance — Pangunahing quarterly assistance, 4 beses bawat taon plus 1 bonus sa year-end, sa cash o goods
- Hospitalization Assistance — Karagdagang tulong pinansyal na Php 5,000 para sa miyembrong na-confine sa ospital
- Burial Assistance — Karagdagang tulong pinansyal na Php 5,000 para sa pamilya ng namatay na miyembro
- MABC for Working Students — Semestral na financial assistance para sa kwalipikadong working students sa kolehiyo
- Eskwela Savings Project
- MABC para sa Kababaihan
- MABC + PhilHealth Yakap
- MABC Diskwento — Diskwento sa pagbili ng basic commodities sa merchant designated retail stores; hindi maaaring gamitin sa alak, sigarilyo at iba pang bisyo
Application Forms
I-download at i-print ang mga form. Ang Blue Card Declaration Form ay makukuha rin sa opisina ng MABC, 4th floor ng City Hall.
News & Announcements
Ang Malabon Ahon Blue Card (MABC) Program ay tumanggap ng iba't ibang gawad at pagkilala mula sa mga lokal at internasyonal na institusyon, bilang pagkilala sa makabagong paraan nito ng paghahatid ng tulong panlipunan, inklusibong serbisyo, at mahusay na pamamahala. Ang mga pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng programa na gawing mas madali, mabilis, episyente, at makabuluhan ang serbisyong panlipunan para sa mga Malabueños.
Frequently Asked Questions
Mga sagot tungkol sa paggamit ng card, pag-apply ng burial at hospitalization assistance, at working students.
Paano kapag nakalimutan o magpapalit ng PIN?+
Kung nakalimutan o nawala ang PIN, gawin ang alinman sa: A. Tumawag agad sa USSC hotline: (02) 8928-8772 o 0917-1808772, bukas 24/7. Magtatanong ang USSC CSG Personnel tungkol sa pagkakakilanlan ng benepisyaryo. Matapos ang validation ay ibibigay ang bagong PIN at isesend ito sa cellphone number ng benepisyaryo. B. Kung nasa USSC store na mismo ay makipag-ugnayan o sabihin sa teller upang mapalitan ang inyong PIN.
Paano kapag nawala o nasira ang Malabon Ahon Blue Card?+
1. I-report kaagad ang pagkawala sa alinmang USSC store branch. 2. Maghanda at magsumite ng affidavit of loss sa alinmang USSC store branch (kung nasira o defective ay kailangang isurrender ang card). 3. Magbayad ng replacement fee na Php 100.00. 4. Ang proseso ay tatagal ng 15 working days. 5. Makakatanggap ng tawag mula sa USSC kung ready na i-pick up ang card sa USSC/U-store branch na pinagpagawaan.
Paano kung na-capture o kinain ng ATM machine ang aking card?+
Kung na-capture o kinain ng ATM machine ang blue card, ipagbigay-alam o i-report sa concerned na bangko.
Paano pag nagpalit ng cellphone number o nawala ang cellphone?+
Ipa-update ang number sa USSC. Maaaring magpunta sa pinakamalapit na branch o tumawag sa hotline (02) 8928-8772 o 0917-1808772, bukas 24/7.
Paano pangalagaan ang Malabon Ahon Blue Card chips?+
Contact Information
Para sa concern o problema sa blue card, tumawag sa MABC hotlines. Para sa pag-apply ng burial at hospitalization assistance, magtungo sa opisina ng MABC.
Opisina: 4th floor ng City Hall, opisina ng Malabon Ahon Blue Card
Voter's Certificate: COMELEC sa OSCA building tapat ng City Hall Malabon, libre
Oras ng USSC: Lunes hanggang Linggo; 9am-10pm kung nasa loob ng mall; 8am-5pm kung nasa labas ng mall
Cut-off sa pagpasa ng requirements: 3:00 PM
- MABC hotline
- 09671372561Globe
- MABC hotline
- 09625533610Smart
- USSC hotline
- (02) 8928-8772 o 0917-1808772Bukas 24/7

