Sa bawat oportunidad sa trabaho, may dagdag na maitutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng isang pamilya.
Ngayong araw, 855 Malabueño ang dumalo sa orientation para sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE), bilang paghahanda sa kanilang pansamantalang hanapbuhay sa ilalim ng programa.
Sa orientation, ipinaliwanag sa mga benepisyaryo ang mga alituntunin, responsibilidad, at mga gawaing kanilang isasagawa. Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ay programa ng DOLE na nagbibigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga kwalipikadong manggagawa.
Binigyang-diin ni Mayor Jeannie Sandoval ang halaga ng patuloy na paglalapit ng mga oportunidad sa mga Malabueño.
“Bawat pagkakataong makapaghanapbuhay ay malaking tulong sa isang pamilyang nagsisikap sa araw-araw. Kaya patuloy tayong makikipagtulungan upang mas maraming Malabueño ang maabot ng ganitong mga programa,”
Nakiisa rin sa aktibidad sina First Gentleman Ricky Sandoval, Trabaho Party-list Representative Atty. Johanne Bautista, kasama ang mga konsehal ng lungsod.
Sa pakikipagtulungan ng DOLE at Pamahalaang Lungsod ng Malabon, patuloy na naiuugnay ang mga Malabueño sa mga programang nagbibigay ng pagkakataong kumita at makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
Katuwang sa pagsasagawa ng aktibidad ang Public Employment Service Office (PESO) Malabon sa pamumuno ni Officer-in-Charge Luziel Gutierrez.
#BughawNaMalabon #MatatagNaMalabon #TUPADOrientation

