. Text in poster reads: Padyak Pasay 2026 National Bike Day Fun Ride. Save the date! Nov. 21, 2026 | 4:00 a.m. | North Fountain, SM by the Bay. Registration for the first 500 Pasay Residents: [cut off at bottom edge of image].
Advisory details
Inaanyayahan ang mga Pasayeño sa gaganaping Padyak Pasay 2026 National Bike Day Fun Ride sa Nobyembre 21, 2026, alas-4 ng umaga sa North Fountain ng SM by the Bay.
Bukas ito sa unang 500 Pasay residents at ang registration ay magsisimula ngayong araw, Oktubre 26, 2026 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa Tanggapan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, 2nd Floor, Pasay City Hall at hanapin si Aiko, makipag-ugnayan sa numero bilang 09625740721 at magdala ng katibayan na kayo ay residente ng lungsod.
Ito ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay sa pangunguna ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano sa pagdiriwang ng ika-163 Araw ng Pasay.
Magkita-kita po tayo at sama-samang pumadyak!

