Transparency in Good Governance
Susi sa patas na paglilingkod sa Lungsod Pasay ang katapatan. Sa pamamagitan ng paglalatag ng malinaw na impormasyon ukol sa badyet, serbisyo, at mga patakaran, nabibigyan ng boses ang bawat mamamayan na makilahok at magtiwala sa ating pamahalaan.
Gabay ng Mamamayan (Citizen's Charter)
Ang Citizen's Charter ng Lungsod Pasay ay ang inyong gabay sa lahat ng serbisyo ng ating pamahalaan. Batay ito sa Ease of Doing Business Act of 2018 para masiguro ang mabilis, tapat, at maayos na paglilingkod. Dito ninyo makikita ang mga kahingian, proseso, bayad, at kung gaano katagal ang bawat transaksiyon — para direkta ang inyong lakad at walang fixer.

