Transportasyon
Madaling puntahan ang Lungsod Pasay dahil konektado ito sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, kabilang ang Skyway at SLEX.
Kumpleto ang lungsod sa lahat ng uri ng transportasyon: tatlong linya ng tren (LRT-1, MRT-3, at PNR), mga bus, jeep, UV Express, traysikel, at padyak. Matatagpuan din dito ang tatlong terminal ng NAIA at mga terminal ng ferry patungong Bataan at Cavite.
Ang napakagandang konektibidad na ito ang dahilan kung bakit ang Pasay ay isa sa mga nangungunang lungsod sa bansa para sa negosyo at pag-unlad.
Kuryente
MERALCO ang nagbibigay-kuryente sa buong Pasay. Lahat ng barangay ay may kuryente, at 95% ng mga kabahayan ang may linya nito (ang iba ay mga informal settler na walang dokumento). Ang pinakamalaking gumagamit ng kuryente ay mga negosyo (77%), kasunod ang mga kabahayan (18%), at pabrika (5%).
Tubig
Maynilad ang nagpapadaloy ng malinis na tubig sa buong lungsod. Serbyisado at may linya ng tubig ang lahat ng 201 barangay sa Pasay.
Daluyan ng tubig-baha
Ang mga sapa gaya ng Estero Tripa de Gallina at Maricaban Creek ang pangunahing labasan ng tubig-ulan patungong Manila Bay. Gayunman, nagkakaroon ng baha sa mga mabababang lugar at tabing-ilog kapag umuulan dahil sa bara at basura sa mga sapa.
Komunikasyon
May sapat at mabilis na linya ng telepono, cellphone, at internet sa buong Pasay.
May limang istasyon ng radyo na nakabase sa lungsod (apat na FM at isang AM). Malinaw ring nasasagap dito ang lahat ng palabas sa telebisyon at programa sa radyo sa Metro Manila.
Matatagpuan din sa Pasay ang ilang kumpanya ng pahayagan.