Larawan ng Team BARCO na naglo-load ng mga sako ng nakolektang basura at debris sa truck sa isang pangunahing kalsada sa Pasay.
Patuloy ang sigasig ng Team BARCO sa pagsasagawa ng clearing at cleaning operation sa lungsod. Sinuyod nila ang mga pangunahing kalsada tulad ng Roxas Blvd., Gil Puyat Ave. extension, Macapagal Blvd., EDSA, Aurora Blvd. at Andrews Avenue kahapon, Agosto 3, 2026. Sinundan naman ito ng operasyon ngayon araw, Agosto 4, 2026 sa kahabaan ng Arnaiz Ave., Taft Ave., Gil Puyat Ave., at Roxas Blvd. upang matiyak na ito ay malinis.
Patuloy ang pakiusap sa ating mga kababayan na magtulong-tulong at makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating lungsod.

