Kinokolekta namin ang inyong personal na datos kabilang ang mga ibinibigay ninyo sa amin sa inyong aplikasyon para sa National Competitive Exam (NCE), admission, impormasyong nakukuha o nalilikha namin sa pagpapa-enroll at sa panahon ng inyong pananatili sa amin.
Impormasyong ibinibigay ninyo sa amin sa inyong aplikasyon para sa NCE
Sa pag-a-apply para sa NCE, nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa personal na kalagayan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan tulad ng ngunit hindi limitado sa pangalan, tirahan, email address ng magulang, numero ng telepono/mobile number at iba pang contact details, kasaysayan ng pamilya, mga dating paaralang pinasukan, impormasyon sa contact na pang-emergency, pagganap sa akademiko, rekord sa disiplina, rekord sa kalusugan, atbp. Ito ay upang kayo ay ma-assess nang maayos habang kayo ay nag-a-apply para sa partikular na pagsusulit na ito.
Impormasyong nakukuha at nalilikha namin sa pagpapa-enroll at sa panahon ng inyong pananatili sa amin
Sa pagpapa-enroll at sa panahon ng inyong pananatili sa amin, kinukumpirma/kinokolekta namin ang impormasyong dati na ninyong isinumite sa inyong aplikasyon para sa NCE upang makakuha kami ng updated na impormasyon tulad ng ngunit hindi limitado sa pangalan, tirahan, email address ng magulang, numero ng telepono/mobile number, impormasyon sa contact na pang-emergency, atbp. Mangongolekta rin kami ng impormasyon para sa at kaugnay ng mga gawaing co-curricular, tulad ng mga organisasyong kinabibilangan ninyo, mga posisyon sa pamumuno, paglahok at pagdalo sa mga kompetisyon at iba pang kaugnay na programa ng paaralan. Mangongolekta rin kami ng impormasyon kaugnay ng insidente sa disiplina, kabilang ang kasamang mga parusa na maaaring kinasangkutan ninyo.